--Ads--
Tiniyak ng Philippine Sports Commission o PSC ang buong suporta kay tennis star Alex Eala habang hinihintay ang tugon ng Women’s Tennis Association o WTA sa apelang makaiwas sa posibleng 10,000-dollar penalty.
Posibleng pagmultahin si Eala matapos niyang piliing katawanin ang Pilipinas sa Asian Games sa halip na lumahok sa mandatory WTA 1000 tournament sa China.
Ayon kay PSC Chairman Patrick Gregorio, nakikipag-ugnayan sila sa Philippine Olympic Committee at Philippine Tennis Association upang matulungan si Eala sa naturang usapin.











