--Ads--

Nagsagawa ng Reduce Reuse and Recycle Fashion Show ang Filipino Community sa Paris France bilang pakikiisa sa adhikain ng pamahalaan na pagrecycle sa ibat-ibang gamit.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Dick Villanueva, ipinakita ng mga Pinoy ang kanilang pagkamalikhain sa pamamagitan ng paggamit sa mga bagay na dapat ay nasa basurahan na para sa mga gown na ginamit ng mga batang rumampa sa Fashion Show.

Sa panayam kay Ginang Ruby Iglesia, Vice President ng Sandigan Association in Paris, sinabi niya na naging malikhain ang mga lumahok sa programa.

May isang pinoy na gumamit ng mga used gloves sa paggawa ng gown na isinuot ng kanyang anak sa pagrampa habang may ibang gumamit ng dyaryo bilang gown.

--Ads--

May gumamit ng blouse mula sa grocery bag at pinagtagpi-tagping wooden utensils.

Aniya ito ang ikalawang pagkakataon na ginawa ng Filipino Community ang nasabing kids fashion show na sinalihan ng apatnapung batang Pinoy at Pranses.

Plano naman nila itong isagawa muli bilang pakikiisa sa programa ng pamahalaan ng Paris na kilala sa malinis na kapaligiran dahil sa mahigpit na panuntunan sa Reuse Reduce Recycle Program.