--Ads--

CAUAYAN CITY– Umakyat na sa 1,669 ang COVID 19 positive sa region 2 matapos madagdagan ng 13 panibagong positibo sa virus.

Pinakamaraming naidagdag ay mula sa lalawigan ng Cagayan kung saan 6 ang mula sa Tuguegarao City, tig-iisa sa mga bayan ng Tuao at Alcala.

Sa Nueva Vizcaya ay 3 ang naidagdag na pawang mula sa bayan ng Bayombong.

Sa Isabela ay may 2 panibagong kaso na mula sa Ilagan City at bayan ng Jones.

--Ads--

Sa kabuoan ay pinakamarami pa ring naitalang positibo sa virus ang Isabela na mayroong kabuoang 617 kung saan 111 ang active cases, 500 ang recoveries at 6 ang namatay.

559 naman ang kabuoang naitala sa Nueva Vizcaya kung saan 253 ang active cases, 300 ang recoveries at 16 ang namatay.

Sa Cagayan ay mayroong 408 confirmed COVID-19 positive, 93 ang active cases, 311 ang recoveries at 4 ang namatay,

Habang sa Santiago City ay 80 confirmed COVID-19 positive, 10 ang active cases, 69 siyam ang recoveries at isa ang patay.

Sa Quirino ay 5 ang COVID 19 positive at lahat ay naka-recover.

Nanatiling COVID-19 free ang lalawigan ng Batanes.