--Ads--

Nilinaw ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang kaniyang naunang pahayag hinggil sa pag-inspeksyon ng mga awtoridad sa mga bahay ng mga gun owner sa bansa.

Ayon kay Remulla, hindi na umano kakailanganin ng search warrant para sa naturang inspeksyon dahil ang mga gun owner ay pipirma ng waiver na nagpapahintulot sa mga pulis na bisitahin ang lugar kung saan nakatago ang kanilang mga baril.

Layunin umano ng hakbang na matiyak na maayos at ligtas ang pagkakatago ng mga armas at hindi ito madaling mapasakamay ng mga menor-de-edad.

Ayon sa Kalihim, isa ito sa mga hakbang upang maiwasan ang mga insidente ng pamamaril, lalo na sa mga paaralan, kung saan may mga kaso nang kinasangkutan ng mga menor-de-edad na nakakuha ng baril mula sa kanilang mga magulang o kaanak.

--Ads--