--Ads--

Hindi umano kabilang si dating House Speaker Martin Romualdez sa listahan ng mga proponent ng mga maanomalyang flood control project sa Bulacan.

Ito ang pahayag ni Engineer Carlo Rivera ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan First District Engineering Office sa bail hearing ng kasong plunder laban kay Romualdez sa Sandiganbayan Third Division nitong Martes, Oktubre 27.

Ayon kay Rivera, ang kaniyang amo na si dating DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantara umano ang tumanggap ng P5 bilyong commitment fees o kickback mula sa mga kontraktor. Ipinahatid din umano ni Alcantara ang mga ito kina dating Congressman Zaldy Co, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, dating Senator Bong Revilla, at Senator Jinggoy Estrada.

Dagdag ni Rivera, si Alcantara rin umano ang nagbibigay sa kaniya ng listahan ng mga proponent. Gayunman, sinabi niyang hindi niya nabanggit ang pangalan ni Romualdez sa kaniyang judicial affidavit o sa mga nauna niyang testimonya sa Sandiganbayan.

--Ads--

Matatandaang si Rivera umano ang inuutusan ni Alcantara na maghatid ng kickback at magpasok ng mga project proponent sa database ng ahensya.