--Ads--

CAUAYAN CITY- Magtatalaga ng mga road rerouting ang Public Order and Safety Division para sa pagbubukas ng klase sa July 29, 2024 sa Cauayan City, Isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallilin sinabi niya na nagpapatuloy ang road clearing operation sa Lunsod.

Sa ngayon nasa 90%n a ng mga road improvement ang natapos alinsunod na rin sa kautusan ni Mayor Ceasar “Jaycee” Dy na mapabilis ang lahat ng mga road concreting projects.

Aniya may road rerouting sa mga kalsadang papasok sa Cauayan City Stand  Alone Senior High School at Cauayan City National High School.

--Ads--

Simula lunes ay ipapatupad ang one way traffic route sa Barangay Turayong para maayos ang daloy ng trapiko.

Maliban dito ay nagsagawa na rin sila ng seminars sa mga tricycle driver at operators sa Lunsod para mapagbigay alam ang iiral na traffic scheme simula araw ng Lunes kabilang ang entry at exit points.