--Ads--

Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources o DENR-PRA na walang nakitang reclamation o paglabag sa property boundaries ng resort na Maison Bukana sa Siargao na pagmamay-ari ng negosyanteng si Christophe Bariou na siya ring nobyo ng aktres na si Nadine Lustre.

Sa isang post ni Bariou, ibinahagi niya ang findings ng DENR-PRA matapos siyang maharap sa alegasyon ng illegal reclamation at iba pang environmental violations ilang linggo matapos niyang magsalita tungkol sa umano’y katiwalian sa Siargao.

Ayon sa findings ng ahensya, walang reclamation, walang encroachment at walang sapat na factual basis para sa mga ibinibintang sa resort.

Iginiit naman ni Bariou na bahagi umano ito ng isang politically motivated smear campaign laban sa kanya dahil sa kanyang mga pahayag hinggil sa corruption, political intimidation at harassment sa Siargao.

--Ads--

Nanawagan din siya sa ilang media outlets na itama ang naunang mga ulat at ilabas ang opisyal na findings ng DENR-PRA, kasabay ng panawagang maging patas at responsable sa pag-uulat.