--Ads--
Nasungkit nina American surfer Caitlin Simmers at Brazilian surfer Gabriel Medina ang mga titulo sa women’s at men’s divisions ng kauna-unahang World Surf League (WSL) Philippines Pro na ginanap sa Cloud 9, Siargao.
Nakuha ni Simmers ang women’s crown matapos talunin ang Australian surfer na si Isabella Nichols sa iskor na 12.00-10.77.
Samantala, nanaig si Medina sa men’s division matapos pataubin ang Australian na si Jack Robinson sa iskor na 16.93-14.50.
Dahil sa kanilang mga panalo, kapwa nag-uwi sina Simmers at Medina ng $80,000 na premyo, habang tig-$40,000 naman ang natanggap nina Nichols at Robinson.
--Ads--
Nagkamit din ng tig-$14,000 ang mga Filipino surfers na sina John Mark “Marama” Tokong at Jayuard Alciso.










