--Ads--

CAUAYAN CITY –  Pinangunahan nina Senador Cynthia Villar, chairperson ng  Senate Committee on Food and Agriculture at Kalihim William Dar ng Department of Agriculture (DA) ang paglulunsad kaninang umaga sa Rice Competitiveness Enhancement  Fund (RCEF) sa Isabela.

Si dating Congresswoman Ana Christina Go na chairperson ng Nagkakaisang Magsasaka sa Isabela Agriculture Cooperative ang nagpaliwanag sa programa ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na pagbili ng aning palay ng mga marginalized farmers.

Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DBP at pamahalaang panlalawigan para sa uutanging 400 million pesos na gagamitin sa pagbili ng kooperatiba ng ani ng mga magsasaka na miyembro ng kooperatiba.

Unang naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng paunang 17 million pesos para mabili na ang aning palay ng mga miyembro ng kooperatiba.

--Ads--

Nagbigay ng mensahe sina Governor Rodito Albano gayundin si Regional Director Edillo sa pamamahagi ng mga binhi at agricultural machineries sa mga kooperatiba.

Nagtagal hanggang hapon ang programa sa Roxas Astrodome dahil may raffle para sa pamimigay ng 200 na bags inbred rice sa pamamagitan ng DA region 2 gayundin ang paraffle ng DBP.

Kaninang alas siyete ng umaga ay isinagawa ang   registration.

Ang  bawat bayan at lunsod sa Isabela ay may mga ipinadalang delegado na miyembro ng kooperatiba.