--Ads--
Mukhang may potensyal na maging hit sa takilya ang romcom film na Project Baby na mapapanood simula June 10, 2026, sa direksyon ni Eric Quizon at panulat ni Jose Javier Reyes.
Tampok dito ang tambalan nina Sue Ramirez at Rico Blanco, kung saan si Rico ang gaganap sa kanyang kauna-unahang leading role sa pelikula bilang “Migo,” katambal si Sue bilang “Sandy.”
Umabot na sa halos 7 million views ang trailer ilang araw matapos ilabas noong May 10, indikasyon ng interes ng publiko sa bagong on-screen pairing.
Kilala si Rico bilang dating frontman ng Rivermaya at mas nakilala sa music industry, ngunit ngayon ay pinapakita rin ang kanyang kakayahan sa pag-arte bilang bida sa isang mainstream romcom project.
--Ads--





