--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang motorista sa karambola ng bisikleta, motorsiklo at tricycle sa kahabaan ng Barangay Uddiawan, Solano, Nueva Vizcaya.

Ang mga sangkot ay ang Mountain Bike na pag-aari ni Antonio Cadabona na residente ng Uddiawan, Solano; isang motorsiklo na minamaneho ni Limuel Valdez Bumanghat na residente ng Uddiawan, Solano; at ang tricycle na minamaneho ni Samuel Bermudez Jr at sakay nito sina Jennifer Tabdol, Pinang Baglan at Reyna Akhiela Pudduan na pawang mga residente ng Brgy. Communal, Solano.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, lumalabas sa pagsisiyasat na parehong binabagtas ng bisikleta at motorsiklo ang kalsada patungong kabayanan ng Solano habang patungo naman sa kasalungat na direksyon ang tricycle.

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay bumangga umano ang motorsiklo sa bisikleta kaya ito natumba habang ang motorsiklo ay napunta sa kabilang linya at nakabanggaan ang paparating na tricycle.

--Ads--

Dahil sa lakas ng banggaan ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga tsuper at sakay ng mga sangkot na agad dinala sa R2TMC Hospital subalit idineklara nang dead on arrival si Bumanghat.