--Ads--
Tinamaan ng mga ballistic missile ng Russia ang dalawang pangunahing tulay sa Kyiv, Ukraine, na nagdulot ng pagkaantala sa suplay ng tubig at kuryente sa ilang bahagi ng kabisera.
Ayon kay Kyiv Mayor Vitali Klitschko, kabilang sa mga tinamaan ang Northern at Southern bridges na kapwa tumatawid sa Dnipro River.
Samantala, muling inatake ng Ukraine ang Kerch Bridge na nag-uugnay sa Russia at sinakop nitong Crimea sa ikalawang sunod na araw, dahilan upang pansamantalang suspendihin ang daloy ng trapiko rito.
Naganap ang palitan ng pag-atake habang nagpapatuloy ang pag-uusap ng mga opisyal ng Ukraine, United States at Europe upang makahanap ng paraan para wakasan ang halos apat na taong digmaan.
--Ads--











