--Ads--

Nagsagawa ng mga pag-atake ang Saudi-led coalition sa mga teritoryong kontrolado ng Houthi sa Yemen, kabilang ang kabisera nitong Sanaa, kasunod ng pag-angkin ng grupo na naglunsad ito ng ballistic missile attack laban sa paliparan sa Riyadh, Saudi Arabia.

Winasak nito ang dalawang ballistic missile launcher sa Sanaa, kabilang ang isa umanong ginamit sa pagpapaputok ng missile patungong Riyadh na naharang ng Saudi air defense.

Nangyari ito sa gitna ng tumitinding palitan ng pag-atake ng magkabilang panig, kung saan patuloy na pinupuntirya ng Houthi ang mga paliparan at pasilidad ng enerhiya sa Saudi Arabia, habang nagsasagawa naman ng mga airstrike ang koalisyon sa mga lugar na hawak ng grupo sa Yemen.

Matatandaang ang pag-atake ng Houthi sa King Khalid International Airport sa Riyadh noong Oktubre 10 ay ikinasawi ng 13 katao at ikinasugat ng mahigit 300 iba pa, ayon sa mga naunang ulat.

--Ads--