Nakipagpulong ang matataas na opisyal mula sa Saudi Arabia, Turkey at Pakistan sa mga opisyal ng Iran sa Tehran, upang subukang mapahupa ang lumalalang tensiyon sa Middle East.
Naganap ang pagpupulong sa gitna ng panibagong pag-atake ng grupong Houthi mula Yemen sa Saudi Arabia at pag-apruba ng Egypt sa suportang pandepensa para sa naturang bansa.
Ayon sa Saudi Arabia, layunin ng pagbisita na magbukas ng mga negosasyon upang maiwasan ang panibagong paglala ng labanan.
Ito ang unang high-level meeting ng Iran at ng tatlong bansang lumagda sa Mecca mutual defence pact noong Agosto, mula nang kumalat ang digmaan na nagsimula sa mga pag-atake ng United States at Israel laban sa Iran.
Batay sa ulat ng Iranian state media, nagkasundo ang apat na bansa na ipagpatuloy ang pag-uusap upang palakasin ang kooperasyon para sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon.










