--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang isang security guard matapos barilin ng isa sa 2 suspek na nagdeklara ng hold up sa isang gasolinahan kaninang 3am sa Tallungan, Tallungan Reina Mercedes, Isabela.

Ang nabaril na security guard ng gasolinahan ay si Julius Tuppal, 21 anyos, binata at residente ng District 1, Reina Mercedes Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan, sinabi ni PMaj Michael Esteban, hepe ng Reina Mercedes Police Station, ang 2 suspek ay sakay ng motorsiklo.

Bumaba ang angkas nito at nagdeklara ng hold up sa gasoline attendant na si Joy Lagrio.

--Ads--

Lumapit ang security guard ngunit bago nabunot ang kanyang baril ay pinaputukan na siya ng kasama ng bumabang suspek.

Tinamaan sa tiyan si Tuppal na agad naisugod sa ospital.

Sinabi ni PMaj Esteban na susuriin nila ang CCTV footage ng gasolinahan para matukoy ang mga suspek.

Ang tinig ni PMaj Michael Esteban