--Ads--

Nananatiling maayos at mapayapa ang sitwasyon sa Lalawigan ng Quirino habang nagpapatuloy ang paghahanda ng mga awtoridad para sa public viewing ni Governor Dax Cua sa kapitolyo ng lalawigan.

Inihayag ni PCPT John Fernando ang Incident Command Post Supervisor ng Quirino Police Provicial Office, sinabi niya na , isinagawa ang paunang security planning ng provincial government, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at iba pang ahensya para matiyak ang seguridad ng mga dadalo sa aktibidad.

Kabilang sa mga ipinatutupad na security measures ang designated entrances para sa mga sasakyan at tao, one-way traffic scheme at no-parking areas sa paligid ng kapitolyo.

Mahigpit din umanong ipinagbabawal ang paglalako o pagtitinda ng mga vendors sa labas at loob ng gymnasium.

--Ads--

Sinabi ni PCPT Fernando na nakatalaga ang mga personnel mula sa iba’t ibang police stations sa Quirino, kabilang ang traffic personnel, upang bantayan ang buong kapitolyo at gymnasium.

Nakatakda ring magpatupad ng 24-hour security presence sa lugar, na hahatiin sa 12-hour shifts upang matiyak na may sapat na personnel na nakatalaga sa buong panahon ng aktibidad.

Naitatag din ang isang command center sa west side ng kapitolyo na binubuo ng PNP, AFP, PDRRMO at iba pang katuwang na ahensya para sa koordinasyon ng seguridad at peace and order.