--Ads--

Naging mapayapa ang pagdiriwang ng Valentine’s Day sa lungsod, ayon sa ulat ng mga awtoridad. Sa kabila ng pagdagsa ng mga tao sa mga restaurant, mall, at iba pang pampublikong lugar, nanatiling maayos ang sitwasyon at walang naitalang malalaking insidente.

‎Ayon sa pulisya, walang naitalang seryosong krimen o aksidente kaugnay ng selebrasyon. Nagpasalamat naman ang sila sa kooperasyon ng publiko at hinikayat ang lahat na ipagpatuloy ang disiplina at pag-iingat sa mga pampublikong lugar.

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Avelino Canceran Jr., mas pinag-igting nila ang Oplan Tambuli bilang bahagi ng kanilang hakbang upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada sa gitna ng pagdiriwang ng Valentine’s Day. Nakatuon ang operasyon sa pagpapaalala sa mga motorista at publiko hinggil sa tamang pagmamaneho at pagsunod sa mga batas-trapiko.

‎Isa sa kanilang isinagawang intervention ang paglalagay at pagplay ng mga paalala sa mga telebisyon at sa sinehan ng isang malaking mall sa lungsod. Layunin nitong maabot ang mas maraming motorista at pasahero upang maging mas maingat sa pagbiyahe, lalo na sa mga oras na inaasahan ang pagdami ng sasakyan sa lansangan.

--Ads--

‎Bukod dito, nakaantabay ang mga personnel ng Cauayan Police Station sa iba’t ibang bahagi ng lungsod sa pamamagitan ng mobile at foot patrol upang mabantayan ang daloy ng trapiko at agad na makatugon sa anumang insidente sa kalsada.