Sa Serbia, ang Semana Santa o Holy Week ay isa sa pinakamahalagang panahon para sa mga Serbian Orthodox. Ipinagdiriwang ito ayon sa Julian calendar, kaya’t kadalasan ay mas huli ito kaysa sa Western Easter.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Bianca Rei Rodi, ang Palm Sunday ang panimulang araw ng Semana Santa. Sa Serbia, pinaliliwanag ang pagpasok ni Hesus sa Jerusalem sa pamamagitan ng pagdadala ng mga sanga ng willow, dahil bihira ang mga palm tree sa bansa. Maraming pamilya ang nagdadala ng mga sanga sa simbahan upang ipagdasal.
Sa Holy Thursday, karaniwang isinasagawa ang liturgical services, at marami ang nagfa-fasting mula sa mga pagkaing tulad ng karne, gatas, at itlog, na tinatawag nilang Posno o mga pagkain na para sa fasting. Maraming Orthodox Christians ang istriktong sumusunod sa fasting na ito.
Sa Good Friday, may ilang simbahan na nagsasagawa ng prusisyon ngunit hindi isinasagawa ang senakulo.
Sa Holy Saturday, inihahanda ng mga pamilya ang mga basket ng pagkain na dadalhin sa simbahan para sa pagpapala. Kasama rito ang paska bread, mga nilagang itlog na pininturahan, at iba pang tradisyonal na pagkain.
Ang nilagang itlong na pinintahan ay ginagamit sa egg cracking game.
Ang mismong Easter Sunday naman ang pinakatampok na araw ng pagdiriwang. Nagsisimula ito sa Midnight Liturgy, at sinusundan ng kasiyahan sa bahay, kabilang ang Easter egg hunt, egg cracking game, at malaking salo-salo ng pamilya.
Bukod sa relihiyosong aspeto, ang Semana Santa sa Serbia ay panahon din ng pagbabalik-loob sa pamilya, pagbisita sa mga puntod, at pagpapanatili ng mga tradisyon.
Ganito ang bahagi ng pahayag ni Bombo International News Correspondent Bianca Rei Rodi.





