--Ads--

Umani ng matinding reaksiyon mula sa publiko ang muling paglitaw ni Sen. Bato dela Rosa sa Senado matapos ang ilang buwang pagkawala sa publiko.

Kabilang sina Bela Padilla at Agot Isidro sa nagbigay ng matitinding komento kaugnay sa naging kilos at pahayag ng senador. Kinuwestiyon ni Bela ang umano’y agresibong pagharap nito sa isang mamamahayag at ang kanyang matagal na pagkawala habang patuloy na tumatanggap ng sahod.

Samantala, mariing binatikos ni Agot Isidro ang ilang senador na sangkot sa pagpapatalsik kay Senate President Tito Sotto III, at naglabas ng matitinding pahayag laban sa kanila at kay Dela Rosa sa social media.

Patuloy na pinag-uusapan ang mainit na isyu sa Senado habang inaabangan din ang impeachment proceedings laban kay VP Sara Duterte.

--Ads--