Iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi dapat makipagnegosasyon ang pamahalaan sa mga armadong grupong umano’y nagpoprotekta kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Ito ay kasunod ng pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nakikipagnegosasyon ang gobyerno sa isang armadong grupo upang matiyak ang mapayapang pag-aresto kay Dela Rosa.
Ayon kay Gatchalian, hindi niya alam ang detalye o pagkakakilanlan ng nasabing grupo, ngunit kung armado ito nang walang awtorisasyon, hindi dapat makipagnegosasyon ang pamahalaan sa kanila.
Binigyang-diin din ng senador na hindi dapat mas armado ang isang grupo kaysa sa mismong gobyerno.
Gayunman, nauunawaan ni Gatchalian ang pag-iingat ni Remulla sa sitwasyon dahil buhay ng mga taong sangkot ang nakataya.
Sa isang panayam, sinabi ni Remulla na nakikipagnegosasyon ang pamahalaan kaugnay ng pag-aresto kay Dela Rosa, na huling namonitor sa Mindanao.











