--Ads--

Ipinahayag ni Senador Joseph Victor “JV” Ejercito ang kanyang kalungkutan sa pagkakaaresto sa kanyang kapatid na si Senador Jinggoy Estrada nitong Lunes, Hunyo 1.

Ayon kay Ejercito, bilang kapatid at kasamahan sa Senado ay nakikiramay siya sa sitwasyon, ngunit bilang lingkod-bayan ay naniniwala siyang dapat hayaang umusad ang proseso ng batas upang lumabas ang katotohanan at manaig ang hustisya.

Sumuko si Estrada sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes ng hapon matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa kaniya para sa kasong plunder.

Idiniin din ni Ejercito na ipinagdarasal niya ang katatagan ng kanyang kapatid sa pagharap sa mga mabibigat na akusasyon.

--Ads--