--Ads--

Mananatili si Senator Rodante Marcoleta sa Philippine National Police General Hospital sa Camp Crame nang hindi bababa sa dalawang araw habang sumasailalim sa masusing medical examination bago siya ilipat sa detention facility.

Ayon kay Interior Secretary Juanito Victor Remulla, isinasailalim sa iba’t ibang medical procedures ang senador upang matukoy kung siya ay nasa maayos na kondisyon para sa pagkakakulong matapos ang kanyang pagkakaaresto.

“He is now undergoing medical procedures. Senator Marcoleta is already 72 years old. It is not just a simple blood pressure and heartbeat check. He still has to undergo several tests, including an ECG and other examinations, to ensure his fitness,” pahayag ni Remulla sa mga mamamahayag.

Sinabi ng kalihim na inaasahang matatapos sa loob ng susunod na dalawang araw ang lahat ng pagsusuri kay Marcoleta at pagkatapos nito ay isusumite ang kumpletong health report sa Sandiganbayan.

--Ads--

“Hopefully, within the next two days, all his examinations will be completed so we can submit a full health report to the Sandiganbayan, after which he may be transferred as a person deprived of liberty (PDL) to the Quezon City Jail, pursuant to the court’s confinement order,” aniya.

Nanawagan din si Remulla ng pang-unawa habang tinatapos ng mga doktor ang masusing pagsusuri sa kalusugan ng senador.

“Please do not rush us. Give us time so we can obtain the full picture of his health,” dagdag niya.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang booking process ni Marcoleta kabilang ang pagkuha ng kanyang mugshot. Gayunman, tiniyak ng kalihim na igagalang ng mga awtoridad ang mga karapatan ng senador habang isinasagawa ang mga kinakailangang proseso.

“His mugshot will be released shortly, but there are still procedures that have to be completed,” ani Remulla.

Binigyang-diin din niya na ang pagpapatupad ng pag-aresto kay Marcoleta ay isinasagawa nang may paggalang at walang layuning ipahiya ang senador.

“I must remind everyone na we are not here to humiliate anyone. Kung ano man ang kanyang kalagayan sa kanyang buhok ay hindi ho namin. His picture will be taken as is, as he appears in public,” saad ng kalihim.