Dinalaw ni Vice President Sara Duterte sina Senator Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta sa New Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City kung saan kapwa sila nakapiit dahil sa magkahiwalay na kasong plunder.
Kinumpirma rin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakipagkita nga si Duterte kina Estrada, Marcoleta at kay Defensor habang nasa loob ng piitan.
Gayunpaman, hindi pa naglalabas ng karagdagang detalye ang kampo ni Duterte kaugnay ng layunin ng kanyang pagbisita sa mga nakakulong na opisyal.
Matatandaang si Estrada ay kasalukuyang nahaharap sa kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y P537 million flood control scam at nananatiling nakakulong habang dinidinig ang kanyang kaso.
Nauna na rin siyang umapela sa Sandiganbayan matapos ibasura ang kanyang mosyon para makapagpiyansa.
Samantala, nahaharap din si Marcoleta sa kasong plunder matapos amining tumanggap ng P75 million campaign funds noong siya ay miyembro pa ng Kamara, na hindi umano niya idineklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) para sa 2025 midterm elections.
Nakakulong din si dating Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, na inaresto matapos umanong magbigay ng P30 million mula sa naturang campaign funds kay Marcoleta.











