--Ads--
Kinumpirma ni Senator Robinhood Padilla na kamakailan ay nagkita sila ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay Padilla, nagbigay siya ng payo kay Dela Rosa na huwag munang magpakita sa gitna ng mga kumakalat na ulat hinggil sa umano’y arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa senador.
Ibinahagi rin ni Padilla na kamakailan lamang ay nagkita pa sila at inilarawan ang kasamahan na handa umano sa anumang posibleng mangyari.
Giit pa ng senador, hindi naman isang wanted o kriminal si Dela Rosa kaya palagi itong dumadalo kapag pinapatawag.
--Ads--
Gayunman, sinabi ni Padilla na kung sakaling ang mga awtoridad ng Pilipinas ang maghahanap sa kanya, siya pa mismo ang magsusuko sa kanyang kaibigan.











