--Ads--
Hinikayat ng isang Senador ang publiko na huwag umasa sa ayuda mula sa pamahalaan.
Inihayag ni Senador Imee Marcos kasabay ng pagbisita niya sa Lalawigan ng Isabela na walang masama sa pagtulong sa nangangailangan at nasalanta ng kalamidad subalit mas kailangan ngayon ang paggawa ng trabaho.
Aniya malayo ang layunin na ito sa isinusulong sa ilalim ng AKAP program ng Kongreso na walang matuwid na direksyon kung anong sektor at kung sino-sino ang puntiryang tulungan ng programa na hindi malabong magamit sa pamumulitika.
Sa halip na magpalakas sa taumbayan ay dapat na ayusin na lamang ang programa para mapunta sa mga totoong nangangailangan.
--Ads--