--Ads--

Binatikos ni Alan Peter Cayetano ang DOJ kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa insidente ng pamamaril sa Senado noong nakaraang linggo.

Ayon kay Cayetano, hindi umano maaasahang maging patas ang imbestigasyon kung ang mga ahensyang sangkot mismo sa operasyon ang magsasagawa ng pagsisiyasat.

Matatandaang sinabi ni Cayetano na “under attack” umano ang Senado sa nangyaring insidente at itinuro niya ang National Bureau of Investigation (NBI) bilang responsable rito. Ang NBI ay nasa ilalim ng DOJ.

Sa kanyang pahayag, tinukoy rin ni Cayetano si acting Justice Secretary Fredderick Vida.

--Ads--

“That’s why my message to him is: you can’t be the hero if you’re the villain,” ani Cayetano.

Samantala, pinuri naman niya si Jonvic Remulla dahil sa umano’y propesyonal at patas na pagharap nito sa mga opisyal ng Senado kasunod ng insidente.