Inanunsyo ng aktress na si Sheena Halili sa social media ang kaniyang pagbubuntis sa ikatlong pagkakataon.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Sheena ang isang “pregnancy reveal” video kasama ang kanyang asawa at dalawang anak. Makikita sa video na sabay-sabay nilang tinitingnan ang pregnancy test, at nang malamang positibo ito, tuwang-tuwang nagtalon ang kanyang pamilya habang kapansin-pansin na ang paglaki ng tiyan nito.
Nagbigay pa ng dagdag na saya si Sheena sa pamamagitan ng pagsayaw bilang selebrasyon sa kanyang panibagong biyaya.
Mula nang magkaroon siya ng pamilya at sunod-sunod na pagbubuntis, hindi na rin siya naging aktibo sa showbiz.
Marami sa kanyang mga kasabayan ang bumati sa kanya, kabilang si Katrina Halili. Samantala, pabirong pinayuhan ni Nadine Samonte si Sheena na huwag nang masyadong magtalon at mag-ingat na lamang.





