--Ads--

Isang Sangguniang Kabataan (SK) chairperson sa Santa Cruz, Laguna ang umani ng batikos mula sa mga netizen matapos kumalat sa social media ang isang video kung saan makikitang hinahawakan niya ng walang gloves ang siopao at hotdog sa loob ng isang convenience store.


Batay sa maraming netizen ang nagpahayag ng pagkabahala sa posibleng isyung pangkalusugan at kalinisan na maaaring idulot ng naturang kilos.


Ang nasabing opisyal, na kinilalang si Mark Adrian Napiza, ay agad namang humingi ng paumanhin kaugnay sa insidente.


Sa kanyang pahayag, inamin niya na mali at hindi nararapat ang kanyang ginawa sa video, kahit pa aniya’y ginawa lamang iyon bilang biro at bahagi ng kanilang video content kasama ang kanyang mga kaibigan at wala siyang intensyong makasama.

--Ads--


Dagdag pa niya, hindi katanggap-tanggap ang ganoong asal lalo na’t siya ay may hawak na pampublikong posisyon.


Patuloy namang pinag-uusapan online ang insidente, habang umaasa ang ilan na magsilbi itong paalala sa mga opisyal at publiko hinggil sa wastong asal at pagsunod sa mga panuntunan sa kalinisan.