--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang social worker makaraang bumangga ang kanyang minamanehong sasakyan sa nakaparadang trailer truck sa San Pedro, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCpt Richard Daniel, hepe ng Bagabag Police Station na lulan ng kanyang Mitsubishi Pajero ang biktimang si Elnora Bonolna, 50 anyos, may-asawa, social worker at residente ng Poblacion West, Lamut, Ifugao.

Bago maaksidente ang biktima ay galing sa isang carwash at bumili ng mga groserya sa isang grocery store.

Lumabas sa imbestigasyon ng Bagabag Police Station na ang biktima ay puyat na nagmaneho.

--Ads--
Ang tinig ni PCpt Richard Daniel

Papauwi na ang biktima nang biglang sumalpok ang kanyang minamanehong sasakyan sa nakaparadang trailer truck sa gilid ng daan sanhi para magtamo ng nalalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at agad dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.