--Ads--

Hinimok ni House Speaker at Isabela 6th District Rep. Faustino “Bojie” Dy III ang mga barangay officials na gamitin ang mas mahabang termino sa pagtutok sa kapakanan, kaligtasan at mga pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Sa isinagawang LegisHear consultation sa Victorias City, Negros Occidental, sinabi ni Dy na may panahon pa ang mga opisyal na tugunan ang mga problema sa kanilang barangay dahil sa pagpapaliban ng barangay elections sa Nobyembre 2028.

Binigyang-diin din ni Dy ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng Kongreso, barangay officials at mga pamilya sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga bata, kabilang ang pag-iwas sa aksidenteng pag-access ng mga ito sa mga baril na nasa bahay.

Ayon kay Dy, layunin ng LegisHear na mailapit ang Kongreso sa mga komunidad upang direktang marinig ang kanilang mga problema at suhestiyon na maaaring maging batayan sa mga panukalang batas.

--Ads--