Hinigpitan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pag-angkat ng artificial sweeteners sa bansa dahil sa pangambang patuloy nitong naaapektuhan ang lokal na industriya ng asukal.
Sa ilalim ng Sugar Order No. 5 na inilabas noong Agosto 8, kailangan na ng clearance bago mailabas ang mga imported artificial sweeteners, bukod sa ₱25 kada kilo na release fee at iba pang dokumento.
Sakop ng bagong patakaran ang sucralose, aspartame, saccharin, acesulfame potassium at processed stevia.
Ayon sa SRA, matagal nang inirereklamo ng sugar industry ang hindi reguladong pag-aangkat ng artificial sweeteners na nakababawas umano sa demand para sa lokal na asukal.
Dahil dito, bumababa umano ang farmgate price ng tubo na nakaaapekto sa kita ng mga sugar planter at miller.







