--Ads--

CAUAYAN CITY- Nais isama ng mga kasapi ng Santiago City Police Office ang mga sugalan sa lamay ng mga patay na maging saklaw ng kanilang kampanya kontra ipinagbabawal na sugal

Ito ay makaraang hiniling ng mga kasapi ng Santiago City Police Office na magkaroon ng ordinansa ang pamahalaang lunsod para ma-regulate ang iba’t-ibang uri ng sugal sa kanilang nasasakupan maging ang mga sugal sa lamay ng mga patay .

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt. Zaidee Daculug, Deputy City Director for Administration na kapansin-pansin na kakaunti na lamang ang nagpupuntang mga mamamayan sa lamay ng mga patay sa Santiago City dahil sa pinaigting na kampanya ng pulisya kontra illegal na sugal.

Kaugnay nito, puspusan na ang kampanya ng mga pulis kontra illegal na sugal dito sa Isabela.

--Ads--