CAUAYAN CITY-Pumalo na sa 8.8 million pesos ang naitalang total losses sa live stocks sa Lalawigan ng Isabela dahil sa apekto ng magkakasunod na Bagyong Kristine, Leon, Marce, Nica, Ofel at Pepito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Veterinarian Dr. Belina Barboza, sinabi niya na pinaka marami dito ay ang mga Kalabaw at Baka na naanod at nalunod sa kasagsagan ng malakawakang pagbaha dahil sa pananalasa ng naturang mga bagyo.
Sa kabuuan nakapagtala sila ng 35 heads na nasawi sa Kalabaw, Baka na may 138 heads, Poulty na 4,819 heads, Kambing na may 135 heads,Tupa na may 9 heads at Swine na 627 heads.
Naitala ang 566 na total affected farmers na may total damages na 8 million, 894 thousand pesos.
Sa nagayon ay wala pang naibababang tulong para sa mga naapektuhang magsasaka na namatayan ng alaga dahil sa sunod sunod na bagyo.