--Ads--

CAUAYAN CITY– Sumuko ang sundalong pinaghihinalaang bumaril at pumatay sa isang biktima sa Ammaboy ,Tanudan, Kalinga

Ang biktima ay si Lester Ladrido na residente ng Tanudan, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Capt. Ruff Manganip, ng kalinga, ang pinaghihinalaan ay si Wing Bag-ay ng Basao Tinglayan at kasapi ng 86th Infantry Batallion Phil. Army na nakahimpil sa Jones, Isabela.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng pulisya ang kapatid ng pinaghihinalaan ay nasaksak sa naganap na kaguluhan at ipinaghiganti lamang nito ang ginawa ding pananaksak ng kapatid ng biktima sa kapatid ng pinaghihinalaan.

--Ads--

Nakita umano ng sundalo ang kapatid ng nanaksak sa kanyang kapatid at binaril at napatay nito ang biktimang si Ladrido.

Kusa din anyang sumuko ang pinaghihinalaan at nasa pangangalaga na ng Tanudan Municipal Police Station at inihahanda na ang kasong murder laban sa pinaghihinalaan.

Ang pahayag ni P/Captain Ruff Manganip