--Ads--

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Champi, na pinangalanang Rosal ng PAGASA.

Sa kabila nito, nananatiling mababa ang posibilidad na direktang tumama ang bagyo sa bansa. Inaasahang kikilos ito patungo sa Taiwan o sa mga isla sa katimugang bahagi ng Japan.

Gayunman, dahil sa malawak na sirkulasyon ng bagyo, inaasahang maaapektuhan pa rin ang pinakahilagang bahagi ng Luzon, kung saan posibleng maranasan ang masamang lagay ng panahon sa Huwebes at Biyernes.

Patuloy na minomonitor ang galaw ng Super Typhoon Rosal upang matukoy ang posibleng epekto nito sa bansa.

--Ads--