--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkukulang na ang suplay ng ilang gadget, laptop at mga kailangan sa pag-iimprinta ng modules ng mga estudyante sa  Isabela kasabay ng nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Director Winston Singun ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela na dahil sa biglaang pagtaas ng demand ng online learning ng Department of Education DepEd maging ang work from home ng mga empliyado ay inatasan sila ng kanilang central office na magsagawa ng monitoring.

Batay sa kanilang pag-iikot sa mga sa Isabela na pangunahing pinupuntahan ng mga tao ay napag-alaman nila na tumaas ang demand ng ilan sa mga kagamitang ito subalit hindi naman makasabay ang suplay kaya nagkukulang.

Layunin din ng isinagawa nilang survey na tingnan kung puwedeng isama sa mga Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs) ang mga kagamitang ito para malagyan ng Suggested Retail Price (SRP) upang mamonitor ng pamahalaan.

--Ads--

Inamin ni Provincial Director Singun na nahirapan silang gumawa ng basis sa presyo ng mga gadget, laptop, desktop computer, tablet at cellphone dahil iba’t iba ang mga modelo.

Dahil dito, maari ring mahirapan ang DTI na maglagay ng SRP.

Sinabi pa ni Provincial Director Singun na bukod sa mga gadget ay napag-alaman din nila na tumaas na rin ang demand ng A4 na bondpaper at nagkukulang na rin.

Aniya, sa kayang pag-upo bilang Provincial Director ng DTI Isabela ay ito pa lamang ang unang pagkakataon na nagkulang ang suplay ng mga kagamitan sa tuwing panahon ng pasukan ng mga estudyante.

Ganito ang bahagi ng pahayag ni Provincial Director Winston Singun ng DTI Isabela.

Ang pahayag ni DTI Provincial Director Winston Singun.