--Ads--

Tatlong katao, kabilang ang isang walong taong gulang na bata, ang nasawi habang 24 naman ang nasugatan matapos ang malawakang drone at missile attack ng Ukraine sa Novorossiysk, isang pangunahing daungan ng Russia sa Black Sea.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky, bahagi ito ng isang “unique operation” gamit ang rockets, jet at naval drones upang targetin ang pangunahing naval base ng Russia sa lugar.

Iniulat ng militar ng Ukraine na apat na Russian warships, kabilang ang dalawang frigates, ang tinamaan sa pag-atake, bagama’t wala pang komento ang Russia tungkol dito.

Nasira rin umano ang dalawang pangunahing grain export terminals sa daungan, dahilan upang ilihis ng Russia ang ilang cargo shipments sa iba pang ruta.

--Ads--

Samantala, hindi bababa sa 11 sibilyan naman ang nasawi sa magkahiwalay na air strikes ng Russia sa Ukraine, kabilang ang mga biktima sa lungsod ng Zaporizhzhia.