--Ads--

CAUAYAN CITY –  Magkahiwalay na sumuko sa militar ang isang dating team leader ng New People’s Army (NPA) at dalawang miyembro ng  Militia ng Bayan (MB).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay  Lt. Col. Gladius Calilan commanding officer ng 95th Infantry Battalion Philippine Army, sinabi niya na isinuko ng mga rebelde ang isang M-14 armalite riffle, isang M-16 armalite riffle at dalawang magazine ng M-14.

Hindi pa pinangalanan ni Lt Col. Calilan ang sumukong team leader ng NPA at dalawang miyembro ng MB ngunit sinabi niya na sila ay taga-San Mariano, isabela.

Pawang menor de edad ang tatlong sumuko nang mahikayat silang sumapi sa kilusan.

--Ads--

Ayon kay Lt Col. Calilan, nahikayat na magbalik-loob sa pamahalaan ang  mga rebelde matapos na makita nila ang pagpupursige ng pamahalaan sa pagpapatupad sa mga programa  para sa kanila.

Naliwanagan na umano sila na walang kabuluhan ang kanilang ipinaglalaban at  ginagamit lamang sila  ng kanilang samahan sa kanilang pansariling interes.  

Ayon kay Lt Col. Calilan, ang mga kasapi ng MB ay hardcore at  mas malala sa mga regular na kasapi ng NPA dahil  kasama sila sa tactical offensive ng mga rebelde.

Dumaan sila sa training bago naging kasapi ng  Militia ng Bayan.

Pinipili nila na naroon lang sa kanilang  barangay kaysa pumasok sa loob at mamundok.

Ginagamit sila sa pananambang sa mga sundalo at panghaharass sa mga sibilyan.

Ang tinig ni Lt Col Gladius Calilan