--Ads--

CAUAYAN CITY- Tinangay ng magnanakaw ang panindang Foam Mattress ng isang tindahan sa loob ng pamilihang bayan ng San Mateo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Norman Encarnacion, ang may-ari ng tindahang nanakawan, sinabi niya na ang tinangay na paninda ng suspek ay nagkakahalaga ng humigit kumulang 4,000 pesos.

Aniya, walang nakapansin sa pagnanakaw ng suspek ngunit nahagip ng CCTV ang ginawa nitong pagtangay sa foam mattress.

Wala namang takip ang mukha ng suspek nang mahagip ito ng CCTV kaya naman patuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan nito.

--Ads--

Marami naman umano ang nakakita sa loob ng palengke sa naturang pinaghihinalaan na bitbit ang kaniyang ninakaw ngunit hindi naman umano nila lubos akalain na ninakaw lamang niya ito.

Dahil dito ay pinayuhan niya ang mga katulad niyang negosyante sa anumang oras at pagkakataon upang hindi masalisihan ng mga magnanakaw.