CAUAYAN CITY– Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic act 10591 ( Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act) ang tsuper ng tricycle matapos masamsaman ng baril ng mga kasapi ng City of Ilagan police station.
Ang suspek ay si Elmer Vilaggu, 34 anyos, residente ng San Andres, Ilagan City.
Batay sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Ilagan City Police Station lumalabas na pinara sa isang checkpoint sa barangay Marana 1st ang suspek subalit sa halip na huminto ay pinaharurot nito palayo ang kaniyang tricycle.
Nagkaroon pa ng habulan sa pagitan ng mga otoridad at ng suspek bago ito tuluyang nadakip nang kapkapan ay nasamsam mula sa pag-iingat nito ang isang Cal. 38 na baril na may dalawang bala.
Agad na dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya at inihahanda na ang kaso laban sa kanya.











