--Ads--

CAUAYA CITY – Dinakip ng mga awtoridad ang isang tricycle driver matapos itong magpositibo sa ikinasang drug buy-bust operation kahapon, ika-8 ng Hulyo sa Brgy. Roxas, Naguilian, Isabela.

Ayon sa mga otoridad, nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang unit ng cellphone, at ang kanyang motorsiklo.

Ayon sa suspek, apatnaput dalawang taong gulang at residente ng Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela, hindi sa sakanya ang nakuhang iligal na droga, at iginiit na tinaniman lamang siya ng mga otoridad.

Aniya, pauwi na umano siya sa kanilang bahay matapos kunin ang ipinadalang gamit ng kanyang asawa mula sa ibang bansa nang bigla na lamang siyang dakpin ng mga pulis.

--Ads--