--Ads--

Isinilang na ang unang anak nina Lady Gaga at Michael Polansky.

Namataan kamakailan ang mag-asawa kasama ang kanilang newborn sa Northern California, na unang pagkakataon na nakitang magkakasama ang kanilang pamilya na tatlo.

Hindi pa naman inilalabas ang detalye tungkol sa kanilang anak, kabilang ang pangalan, kasarian at petsa ng kapanganakan.

Unang naging publiko ang relasyon nina Gaga at Polansky noong Pebrero 2020, matapos silang makitang magkasama sa Super Bowl. Noong 2024, inanunsyo naman ng dalawa ang kanilang engagement.

--Ads--

Samantala, kabilang si Lady Gaga sa mga performer sa Super Bowl halftime show ngayong taon kasama si Bad Bunny.