--Ads--

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Mendocino County sa hilagang bahagi ng California nitong Miyerkules, ayon sa U.S. Geological Survey (USGS).

Batay sa datos ng USGS, naitala ang sentro ng lindol may 11 kilometro sa hilaga ng Redwood Valley at may lalim na 8.1 kilometro.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang pinsala o nasawi kaugnay ng pagyanig.

Hindi rin nakaranas ng malakas na pagyanig ang mga residente sa San Francisco Bay Area na nasa humigit-kumulang 240 kilometro sa timog ng Mendocino County.

--Ads--

Samantala, agad namang nabigyan ng ulat si California Governor Gavin Newsom hinggil sa insidente. Ayon sa kanyang tanggapan, nakikipag-ugnayan na sila sa mga emergency officials upang masuri ang posibleng epekto at anumang pinsalang dulot ng lindol.

Patuloy namang minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon habang nagsasagawa ng assessment sa mga lugar na posibleng naapektuhan ng pagyanig.