--Ads--

Isang pambihirang natural na penomenon ang kasalukuyang nararanasan sa Utqiagvik, Alaska, kung saan mula ngayon hanggang Agosto 2 ay tatagal ang tinatawag na midnight sun o 84 na araw ng walang patid na liwanag ng araw.

Sa panahong ito, hindi na lumulubog ang araw sa nasabing lugar, kaya’t nananatiling maliwanag ang kapaligiran kahit sa oras na karaniwang gabi. Dulot ito ng lokasyon ng Utqiagvik na malapit sa Arctic Circle, kung saan tuwing tag-init ay nakararanas ng matinding daylight ang mga residente.

Para sa mga nakatira roon, nagbabago ang kanilang pang-araw-araw na ritmo dahil sa tuloy-tuloy na sikat ng araw, na nakaaapekto sa oras ng pagtulog, trabaho, at iba pang gawain.

Ang midnight sun ay isa sa mga pinakakilalang natural na phenomena sa mundo, na patuloy na umaakit ng atensyon ng mga turista at siyentipiko dahil sa kakaibang kondisyon ng kapaligiran na taglay nito.

--Ads--