--Ads--

Kinumpirma ng Bureau of Immigration o BI nitong Martes na nasa labas ng bansa si dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Ayon sa BI, walang umiiral na Hold Departure Order o HDO, o anumang derogatory alert na maaaring pumigil sa pag-alis ni Velasco sa Pilipinas.

Hindi na nagbigay ang ahensya ng iba pang detalye tungkol sa kaniyang immigration records dahil sa data privacy concerns.

Samantala, sinabi ng National Bureau of Investigation o NBI na sinusuri pa nito ang mga alegasyon ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. laban kina Velasco, Vice President Sara Duterte at iba pa.

--Ads--

Ayon sa NBI, iimbitahan nito ang mga nabanggit sa affidavit ni Gracioso, kabilang sina Velasco at Duterte, bilang bahagi ng beripikasyon sa mga alegasyon.