--Ads--

Sinabi ni Vice President Sara Duterte na pera at sama ng loob sa pamilya Velasco ang posibleng motibo ni dismissed policeman Rodulfo Gracioso Jr. sa mga alegasyon nitong naghatid umano siya ng pera sa Bise Presidente.

Sa press briefing nitong Martes, itinanggi ni Duterte ang mga pahayag ni Gracioso at sinabing may personal na dahilan ang dating pulis sa mga ibinunyag nito.

Nauna nang sinabi ni Gracioso na naghatid umano siya ng pera kina Duterte, Davao City 1st District Representative Paolo Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa utos umano ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Bilang paglilinaw, ipinakita ni Duterte ang screenshot ng naging pag-uusap nila ni Velasco kung saan sinabi umano ng dating Speaker na dati niyang security si Gracioso at nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan kaugnay sa pera.

--Ads--

Iginiit ni Duterte na hindi siya dapat idamay sa anumang personal na alitan nina Velasco at Gracioso.