Nakatakdang humarap sa Manhattan Federal Court sa Lunes ang Pangulo ng Venezuela na si Nicolás Maduro, ayon sa kumpirmasyon ng isang opisyal ng U.S. Department of Justice.
Si Maduro ay nahaharap sa iba’t ibang kaso sa Estados Unidos, kabilang ang umano’y sabwatan na may kaugnayan sa narco-terrorism. Nahaharap din sa magkakahiwalay na kaso ang kanyang asawa, kabilang ang sabwatang may kaugnayan sa pagpasok ng cocaine sa Estados Unidos.
Bago ang kanyang unang pagharap sa hukuman, inaasahang mananatili si Maduro sa Metropolitan Detention Center sa Brooklyn.
Lumapag ang eroplanong sinasakyan nina Maduro at ng kanyang asawa sa Stewart International Airport, humigit-kumulang 97 kilometers sa hilagang-kanluran ng New York City. Matapos ang paglapag, nagpunta ang FBI at iba pang ahensya para huliin siya.
Samantala, nananatiling hindi malinaw kung paano planong pangasiwaan ni U.S. President Donald Trump ang sitwasyon sa Venezuela. Sa kasalukuyan, wala umanong direktang kontrol ang puwersa ng Estados Unidos sa naturang bansa, at patuloy pa ring namumuno ang pamahalaan ni Maduro na tila walang balak makipagtulungan sa Washington.
Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang pamahalaan ng Venezuela kaugnay sa umano’y pagkakaaresto ng kanilang Pangulo.






