--Ads--

Nakatakdang bumisita sa bansa si Vietnamese President Tô Lâm para sa isang state visit mula Mayo 31 hanggang Hunyo 1, ayon sa Presidential Communications Office.

Kabilang sa mga tatalakayin sa bilateral meeting ng dalawang lider ang usapin sa trade, investment, food security, at defense cooperation.

Ito ang kauna-unahang state visit ni Tô Lâm sa Pilipinas mula nang maupo ito bilang pangulo ng Vietnam.

Matatandaang noong Hulyo 12, 1976 nang mabuo ang diplomatic relations ng Pilipinas at Vietnam.

--Ads--

Pinagtibay naman ng dalawang bansa ang kanilang samahan bilang strategic partnership noong Nobyembre 17, 2015.