--Ads--
Tinanggal na sa kanyang posisyon at dinis-armahan ang pulis na nag-viral matapos umanong bugbugin ang kanyang asawa.
Kinumpirma ni Malolos City Chief of Police Plt. Col. Rommel Geneblazo na kabilang sa kanilang hanay ang naturang pulis at kasalukuyan itong nasa restrictive custody.
Inihahanda na rin ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa nasabing opisyal.
Mariin namang kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang insidente at iginiit na hindi nito kukunsintihin ang anumang uri ng maling pag-uugali sa loob ng kanilang hanay.
--Ads--
Nanawagan din ang PNP sa publiko na umiwas sa pagpapakalat ng maling impormasyon upang hindi maapektuhan ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng mga awtoridad.











