--Ads--

Posibleng wala na sa kustodiya ng mga awtoridad sa Czech Republic ang puganteng dating mambabatas na si Zaldy Co, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Sa isang video conference nitong Biyernessinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na walang katiyakan na mananatili si Co sa Czech Republic.

Gayunpaman, iginiit ni Vida na patuloy na beripikahin ng DOJ ang mga detalye, at nakipag-ugnayan na sa Philippine immigration at pulisya hinggil sa sitwasyon.

Kasalukuyang nasa Prague ang delegasyon ng Pilipinas upang mag-explore ng lahat ng opsyon, kabilang ang paghingi ng red notice mula sa Interpol laban kay Co, na nahaharap sa mga kaso kaugnay ng flood control scandal. Isa pang team ang lilipad patungong Central Europe upang magdala ng mga dokumento na magpapatibay sa kahilingan para sa red notice.

--Ads--

Bagama’t may naunang pahayag na maaaring maibalik si Co sa loob ng tatlong linggo, tumanggi si Vida na magtakda ng tiyak na timeline.

Kasama ni Vida sa Prague si Chief State Counsel Dennis Chan, mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs, at Philippine Center on Transnational Crime. Posibleng magmungkahi sila ng deportasyon o gumamit ng United Nations Convention Against Corruption, kung saan parehong kasapi ang Pilipinas at Czech Republic.